Taksil si "Thaksin"?
Hay, nakakalungkot naman ang nangyayari sa Thailand ngayon. I never entertained the idea, na mag-a-ala-Pinas ang asensadong bansa ng mga Thais. Hindi ko talaga alam kung nagtaksil nga ba talaga si Thaksin, basta ang alam ko, in more than two years na pag-stay namin sa Bangkok, naging masaya naman kami sa kalagayan ng Bangkok as expats.
I mean, napakaunlad ng bansa nila, tignan na lang natin sa mga trains ng Bangkok, BTS (or MRT/LRT dito) at SUBWAY, matagal na tayong napag-iwanan kung ikukumapara dito sa atin. Sabi nga nila, sa transit or railway system makikita ang kaunlaran ng isang bansa. Ang dami nilang infrastructures, sa 2 years namin dun, di sila nauubusan ng pagpapalawig ng mga kalsada nila, more specifically, sa mga tollways. Ung skyway nila, napakahaba, na dadaan mismo sa airport, kaya ang mga passengers, nakakarating ng maluwag at mabilis sa airport. At napakarami pang incomparable differences.
Kaya tuwang-tuwa kaming mag-asawa nun ke Thaksin. Everyday, nagbabasa ako ng newspaper nila, ung Bangkok Post, every morning un, habang si Jett ay binabantayan ng mga mababait na receptionists sa apartment namin, wala pang one year si Jett nun. At nasaksihan ko kung paano sya na-re-elect "landslide" at nanalo ang Thai Rak Thai Party. Very popular pa si Thaksin nun. Siguro, ang naging conflict, ung pagiging businessman nya at pagiging public servant. Isa kasi si Thaksin sa pinakamayang tao sa Thailand. In fact, ayon sa bali-balita, pagmamay-ari nya ang number one telecommunication company sa Thailand ang 1-2-Call or AIS, although he tried to conceal it before he took office by spreading the shares of stocks to his relatives up to his househelps, which made the buzz out of it. Pero, nanalo pa rin sya in the end.
Sana lang, matuto rin ang mga Thais sa nangyari. Sana "history wont repeat itself", at hindi na muling umabot sa pagpapatalsik ng mga uupo pang leaders. Dahil kung magkakaganun, huhusgahan na rin ng buong mundo ang Thailand, nang hindi nalalayo sa Pilipinas.
Finally, if I will be given a chance na makausap si Shinawatra, gustong-gusto ko talagang itanong sa kanya ... kung saan sya nag-pa-pa-derma??? Kasi, napaka flawless ng skin nya, even on close-ups! spotless talaga (wink!) Good night!