Sobrang "Sobra"
Grabe na to ... everyday na lang na manonood ako ng tv, tuwing me artistang ini-interview, ganito ang litanya ... "sobrang happy ako, dahil sobra-sobrang blessings ang dumating, kaya sobrang thankful ako talaga, sobra" .... or ... something to that effect.
Sus, I really don't understand, kung bakit sobra-sobra naman ata ang paggamit nila sa salitang "sobra"? Dalawa lang yan eh, unexplainable ba talaga ang feelings that no amount of words could best fit for the emotions? Or, exag lang talaga ang pagkakakuwento para sa isang pangkaraniwang pangyayari? Na minsan, gawain talaga ng iba sa atin, para, wala lang ... just for the heck of it!
(Teka, napansin nyo ba taglish ako ngayon? Wala lang din, tutal tagalog naman ang title ko eh! hahaha! Anyway, back to my post ... )
Hay naku, whatever it is ... if you blab the truth ... isa lang ang masasabi ko .... "elaboration pleeassee?!"