Friday, August 31, 2007

Pambansang Araw ng Wika sa PKA





Cool Slideshows!


Sapagkat ang Agosto ay selebrasyon ng buwan ng wika, marampatin ninyong gamitin ko ang ating wikang pambansa kahit dito man lamang sa espesipikong sulating ito ng aking blog. (Wheh!)

Kanina ay ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng Power Kids Academy, ang paaralan ni Kuya Jett, ang Araw ng Wika. Nakatutuwang makita sila sa mga kasuotang tagalog na tanging sa panahong ito lamang natin nakikitang karaniwang isunusuot.

Hindi makakaila ang pananabik ng mga magulang, lalong-lalo na mula sa pinakamababang antas ng pag-aaral (Nursery), na dumalo sa naturang pagtitipon, at masaksihan kung paano makisali ang kani-kanilang mga anak sa programa. Ngunit sa aming panghihinayang, sa dahilang ito ay maliit na salo-salo lamang ayon sa pamunuan ng paaralan, nagdesisyon silang limitahan ang programa para sa mga estudyante lamang at hindi kasama ang mga magulang. Gayunpaman, matiyagang naghintay ang mga magulang sa labas hanggang matapos ang pagtitipon.

Sa huli, ang mga ngiti sa labi ng mga bata, lalong-lalo na ang aking Kuya Jett, na natuwa ng husto at nakisali sa kauna-unahang karanasan nya sa kakaibang aktibidades na ito sa kanyang paaralan, ay isang bagay na walang pagsidlan para sa magulang na kagaya ko. Umaasam ako na sana ay maulit ang ganitong ekspireyensa nya.