Sunday, April 23, 2006

Cenakulo sa Divine


Finally, na-post ko na rin ito. Last week pa due ito eh, kasi naman, inatake na naman ako ng katamaran. Anyway, eto ang kwento. Last week Thursday, Maundy Thursday to be exact, nanoood kami ng Senakulo sa Divine Mercy Shrine, every year, merong Senakulo talaga dito. Pero that was my first time na makanood dito sa Divine. With all my pamangkins, nagpunta kami ng 8pm. Late na nga kami nakarating, kaya pagdating namin, after 30mins, tapos na.

Medyo, na-disappoint ako sa napanood ko, kasi, di sya kasing ganda ng ini-expect ko. Kasi, na-compare ko sya sa Senakulo sa amin sa Mandaluyong (Hagdang Bato Ibaba), na for 3 consecutive nights, ikukuwento talga ang buong life ni Jesus. Tapos, magaganda ang costumes, at kinakanta ang dialogues, at kapag enter at exit ng stage, merong live band na tutugtog. Unlike dito sa Divine na taped ang dialogues, hindi masyadong impressive ang mga costumes, at puro production numbers, me mga sayawan, at kantahan, ganun. Tapos, ang bilis natapos.

At eto pa, pag-uwi namin mga 930pm na un, grabe, super traffick. Ang Divine Mercy ay 1.5kilometers lang kalayo sa house namin. Would you imagine, inabot kami ng 1230am sa daan, dahil hindi umaandar ang mga sasakyan? You know why? Aside sa dahilang ang Divine Mercy ay talagang dinadayo mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas lalo tuwing Lenten Season, napakarami rin ng naglalakad, ung mga nagbibisita Iglesia yata yun, kasi from Divine Marilao, ung San Jose Del Monte ang susunod na town, andun naman ung Lourdes Grotto which is magkasunod na malalaking churches. Kaya ung mga tao, na super dami, grupo-grupo, naglalakad sila. Ung mga pasahero ko nga nakatulog na sa tagal, pati si Jett. Asawa ko nga tawag at text na, kasi baka daw kung ano na nangyari sa amin. Ako nga, muntik na ring makatulog sa harap ng manibela.

Kaya pag-uwi namin, ayun, plakda lahat ng mga bata. Kawawa naman. Siguro next year, di na kami uulit :( ....